Sabado, Setyembre 9, 2017




  Bilang isang teenager, mahilig akong magtravel sa iba't ibang lugar. Gustong-gusto ko ang pagkuha ng mga litrato ng mga magagandang tanawin. Nakasanayan na namin ang mag-travel sa malalayong lugar kasama ang pamilya para makapag-bonding at relaks. Napakaraming dahilan para makapaglakbay, at napakarami ring mga lugar sa ating bansa ang may angking ganda sa tanawin ang maaari nating puntahan.

Isa na rito ang aming pinuntahan noon lamang May 2017, ang Bicol. Bago pa man kami makarating sa aming destinasyon ay dadaanan muna ang tinatawag nilang "Bitukang Manok". Sabi nila tinawag ito na "Bitukang manok" dahil sa pasikot sikot nitong daan na para bang bituka ng manok.


Nang marating na namin Bicol ay marami kaming nakita na nagtatanim ng palay at mangingisda. Ito lamang daw ang pangkabuhayan ng mga naninirahan dito. Simple lamang ang buhay ng mga naninirahan dito. Kaya naman hirap sila sa paghahanap ng pagkakakitaan sa pang araw-araw. 


Daraga, Albay


Hindi rin namin pinalagpas na masilayan ang Bulkang mayon at ang Cagsaua church. Bago pa man kami kumain ay kumuha muna kami ng mga larawan. Marami rin akong natuklasan tungkol sa mayon. Nabasa ko sa nakapaskil doon na lumubog ang Cagsaua church dahil sa pagsabog ng mbulkang mayon noon. At tanging ang tore lamang na nasa larawan ang natira sa simbahan. Masaya naming nilibot ang malawak na paligid ng Cagsaua church. At dahil sa ganda ng tanawin ay tila ba'y limot na namin ang mga problema namin. 

Pagkatapos namin sa Albay ay dumeretso na kami sa bayan ng Goa para dalawin ang aming tita roon. Punung-puno ng mga tao ang paligid, dahil dalawang araw na lamang ay mag didiwang na sila ng kanilang piyesta sa kanilang baryo. Pagod ang bawat isa sa biyahe kaya nakatulog agad kami.

Paggising ko ng umaaga ay bumungad agad saakin ang napakasariwang hangin ng probinsya. Busy ang lahat sa paghahanda dahil bisperas na nung araw na iyon, kaya naman nagpasya ang tito ko na dalhin kami sa isang beach, ang Caramoan. Mahigit dalawang oras ang biyahe  papunta roon. Liblib rin ang lugar kaya nama'y konti lamang ang dumarayo na mga turista.

Caramoan
Bago pumunta sa mga island ay nagarkila muna kami ng bangka. Kada bangka ay kasya na ang pitong tao. Ang buhangin sa beach na iyon ay pinong-pino at malinaw rin ang tubig. May apat na isla ang pwedeng mapuntahan. Nalaman ko na ang sikat na T.V. series na "Survivor" ay dun din pala ginanap. 
Bangus Island

 Bawat isla na pinuntahan namin ay may iba't ibang ganda ng tanawin. At ang isa sa mga island na ito ay ang tinatawag nila na "Bangus island", na kung saan ang tanging makikita mo lamang na isda ay bangus. Ngunit bago mo makita ang bangus ay kailangan mo munang akyatin ang napakataas na mga bato. 


Gabi na nang makauwi na kami sa goa. Nang gabi ring iyon ay nagkaroon ako ng sore eyes.  Maraming mga bata sa daan ang naglalaro. Nakagisnan na nila ang magkaroon ng sayawan sa gabi. Halos mga kabataan ang pumunta. Meron ding prusisyon. Bago pa kami natulog ay pumunta muna kami sa  sayawan.

Irigasyon

Kinabukasan ng umaga ay niyaya kami sa isa pang bahay ng tita namin. Malapit lang ito sa Mt. Isarog. Pero bago pa kami makapunta sa kanilang bahay ay dadaan muna kami sa pababa at pataas na lugar. Napakasariwa ng hangin at napakalinaw rin ng tubig sa tinatawag nilang "irigasyon". Walang masyadong kabahayan roon at napakatahimik ng paligid. Syempre hindi rin namin pinalagpas na makaligo sa irigasyon. Higit sa malinaw na ang tubig ay malamig rin ito.

Tanghali pa lamang ay naghanda na kami para bumiyahe na pauwe. Dumating kami ng 1:00 ng madaling araw sa cavite. Sulit ang pagod sa biyahe. Isa na ito sa pinakamasaya at hindi ko malilimutan na pagbabonding naming pamilya.